Binata, Naglakbay mula Parañaque hanggang Samar gamit lamang ang kanyang Bisikleta; Hinangaan ng Marami! - FILIPINO TRIBUNE

Binata, Naglakbay mula Parañaque hanggang Samar gamit lamang ang kanyang Bisikleta; Hinangaan ng Marami!

Totoo nga ang sabi nila, babalik at babalik ka din kung saan ka nagmula. Iba ang naidudulot na saya at kapanatagan ng loob kapag alam mo na nasa iyong bayan ka. Sino ba naman ang aayaw sa tahimik at payak na pamumuhay sa probinsya. 

Ito ang pinanghawakan ni Peter Roncales 19 na taong gulang. Mula sa Parañaque kung saan siya pansamantalang naninirahan dahil na rin sa kaniyang trabaho, binaybay niya pauwi gamit ang bisikleta papuntang Samar!

Inabot ng halos 10 araw ang binatilyo sa pagbibisikleta na inabot ng 800 kilometro! Sinong mag aakala na ang tulad niyang animo'y bagito ang makakayanan ang ganitong hirap na kalbaryo.

Matapos ang 10 araw na paglalakbay, tuluyan niya ng narating ang border sa pagitan ng mga bayan ng Can-avid at Taft sa Eastern Samar. Nito lamang habang nasa border na siya nakatanggap ng tulong mula sa mga may mabubuting kalooban.

Isa si Christian Evardone na isang frontliner sa humanga matapos malaman ang istorya ng binatilyo. Aniya, bakas kay Peter ang hirap, pagod at gutom. Ngunit hindi ito alintana ng binata sa kagustuhang umuwi sa kanilang bayan. 

Nang mawalan ng trabaho, mas nagdoble ang hirap para sa kanya. At dala ng kakulangan ng pera para pamasahe pauwi mas pinili na lang niya mag bisikleta. Sa tulong ng mga frontliners pinagpahinga nila si Peter at binigyan ng makakain at maiinom. 

'Naawa ako, naiyak na lang siya, pagod na pagod siya nang dumating sa checkpoint at basa dahil sa ulan kagabi,” sabi ni Christian. 

Kaya agad silang nakipag ugnayan sa lokal na pamahalaan ng nasabing bayan para mabigyan at mahatiran ng tulong si Peter. Batay naman sa Safety Protocol ng lungsod kinakailangan sumailalim sa 14 days quarantine si Peter upang ganap na makapiling ang pamilya. 

Bata pa lamang si Peter ay sinabak na niya ang sarili sa paghahanap buhay kaya mula probinsya naglakas loob siyang magpunta ng Maynila at dito isugal ang kanyang kapalaran. Akala ng marami, ang pagpunta sa Maynila ang magsasalba sa kanila sa kahirapan. Dahil sa dami ng opurtunidad dito.

Sa layo ng Parañaque at Samar, sinong maglalakas loob na lakbayin ito lalo pa kung aabutin ng ilang gabi at araw. Kahanga hanga dahil alam nating lahat kung gaano kadelikado ang magbiyahe kung maulan at sobrang init naman sa araw. Sabayan pa ng mga naglalakihang mga sasakyan.

Kung magbibiyahe sa mga pampasadang mga bus, aabutin ng ilang oras para makarating sa Samar, mas mabilis kung sasakay ng eroplano pero tiyak na mas mahal ito. Napaka hirap nga ng dinadanas ng mahihirap sa panahon ng pandemya. Mas pinadapa sila ng nasabing sitwasyon na nahihirapan silang bumangon.

May istorya din noon, kung saan ay nilakad naman pauwi ng kanilang probinsya. Kung hindi lang ilang linggo niya itong ginawa kung hindi inabot na din ng buwan. Kaya habang naglalakad pauwi ay namumulot siya ng maaaring ikalakal para maitawid ang pang araw araw.

Nakakaantig ang mga ganitong kwento ng pagsusumikap at determinasyon sa kabila ng mga balakid sa buhay. Nawa'y magsilbing inspirasyon ito sa lahat. 

Ikaw, anong masasabi mo kay Peter na hindi alintana ang hirap at pagod makauwi lang sa kanyang pamilya? Kung ikaw ang nasa katayuan ni Peter, ganito din ba ang gagawin mo? Mag comment lamang sa amin.

Source: buzzooks

No comments

Powered by Blogger.