Bagong Kasal, Hinangaan dahil sa Pagsasayaw sa Maputik na Reception; Kilalanin dito! - FILIPINO TRIBUNE

Bagong Kasal, Hinangaan dahil sa Pagsasayaw sa Maputik na Reception; Kilalanin dito!

Pangarap ng kahit sinong babae ang magkaroon ng engrande at bonggang kasal, reception at honeymoon. Kaya dumaan sa maraming proseso o hakbang ang pagpapakasal. Hindi basta basta, kaya ang iba ay kumukuha ng tao para mag asikaso sa ganitong okasyon.

Hinangaan online ang bagong kasal na sila Joel Noynay at Rose Jean Pasilan ng Cagbatang Masbate. Matapos nilang ituloy ang kanilang reception sa maputik na lugar. Hindi alintana ng dalawa kung maputikan ang mapuputing nilang suot.

Nagsayaw ang dalawa sa gitna ng kanilang mga bisita animo’y walang putik na kumakapit sa kanilang mga damit. Habang nagsasayaw ay tuloy tuloy ang mga tao sa tradisyonal na pagsabit ng mga perang papel sa bagong kasal.

Ginanap ang kanilang kasal sa isang simbahan sa Masbate, matapos ang dumating na malakas na bagyo at nagdulot ng malakas na pag ulan, pagbaha sa ilang bahagi ng Masbate. Pero hindi nagpaawat ang dalawa at itinuloy pa din ito.

Habang sumasaliw sa musikang Without You ni Mariah Carey, sweet na sweet sila Rose Jean at Joel. Ganun din ang kanilang mga bisita, lumusong din sa maputik na handaan para masaksihan ang importanteng okasyon sa dalawa.

Ani nila, pinaka memorable ang mga sandaling  ito para sa kanila dahil kahit anong balakid ang kanilang harapin ang mahalaga ay naidaos nila ang pag cecelebrate ng kanilang pag iisang dibdib.

May ilan sa atin nangangarap ng mala Fairy tale na kasal, minsan lamang kasi ito mangyayari sa ating buhay. Kadalasan, makikita o mapapanood sa ilang wedding videos na umiiyak ang groom o ang lalake. Hindi nila mapigilan ang kanilang emosyon dahil sa wakas makakasama na nila ang babaeng minamahal.

Maraming kwento ng kasal ang animo’y hahamakin ang lahat. Noong 2018, sila  Mac Gregor Gaudia and Veronica Frondarina ng San Fernando City sa La Union ang hindi nagpapigil kahit pa kahit sa kasagsagan ng bagyo.

Ginanap ang kanilang kasal sa Munisipyo ng La Union. "Hindi naman bagyo ang makahihinto sa amin eh," ang sabi Mac Gregor.  "Ang totoo, bagyo man o delubyo talagang may forever," dagdag naman ni Veronica.

Hindi nga rin napigilan ng baha ang pag iisang dibdib Simeon at Glory Llorente. Sa larawan makikita na lampas paa na ng mga bisita ang baha sa loob mismo ng simbahan. Ang nakakatuwa pa ang Bride at Groom ay parehong naka paa.

Isang kahanga hangang kasal din ang kinabiliban ng marami, dahil matapos ang lindol sa Davao Del Sur na ikinasira ng kanilang Munisipyo, itinuloy pa din nila ang kasal sa isang Emergency shelter na gawa sa tent.

Nauso din ngayong pandemya ang Online Wedding na ngayo’y pinagdedebatehan kung aprubado o kinikilala ng batas. Sa ngayon sa kabila ng pandemya tuloy pa din ang ibang kasal basta’t susunod sa mga itinakdang Safety Protocols.

Sabi nila, hindi mapipigil ng ano man ang pusong nagmamahal. Hahamakin ang lahat para lamang mabasbasan ng Panginoon ang kanilang pinapangarap na pagsasama. Wala ng hihigit pa sa pagmamahalang ang sentro ay ang Diyos Ama.

Ikaw, anong masasabi mo kasalang ito? Ano ang pangarap mong kasal? Share mo sa amin ang iyong ideya at mag comment lamang.

Source: thecampfirethoughts

No comments

Powered by Blogger.