Bata, Kinabiliban Online Matapos Mapanood ang Video nito Kasama ang mga Kakaibang Alaga! - FILIPINO TRIBUNE

Bata, Kinabiliban Online Matapos Mapanood ang Video nito Kasama ang mga Kakaibang Alaga!

Sino ba naman ang hindi magugustuhan o mahuhulog ang loob sa mga alagang hayop. Madalas aso, pusa, kuneho, hamster. Sila ang nagsisilbing stress reliever at saya na naghihintay sa ating pag uwi sa tuwing tayo’y umaalis ng bahay. Ngunit paano kung ang alaga mo’y kinatatakutan ng lahat?

Hinangaan at kinatakutan ang video na ito ng isang bata sa mula sa Canary Islands sa bansang Spain. Makikitang nasa gilid ito ng dagat at walang anu ano’y ibinaba ang kamay na animo’y may hinihintay na lumapit sa kanya.

Wala pang ilang sandali, dumating ang isang sting ray at maamong nagpahimas sa bata. Laking gulat pa ng kumukuha ng video ng hindi lang pala isa ang lumapit dito kundi may ilang piraso pa. Tuwang tuwa naman bata sa kanyang mga alaga.

Pinakain niya pa ito mismo sa kanyang palad na walang pag aalinlangan. Kilala ang mga sting ray na makamandag dahil sa lasong taglay nito sa kanyang buntot na lubhang nakakatakot at delikado kung matatamaan.

Ayon sa  bata, hindi naman daw agresibo ang mga ito at sinabing sila’y mahilig maglaro na kitang kita naman sa video. Mula sa pag aaral ang mga sting rays o manta ay  malapit sa lahi ng mga pating na siyang pinaka kinatatakutan ng lahat.

Matatandaang ilang insidente ang naiulat kaugnay ang agresibong mga pating. Madalas itong naninirahan o nakikita sa mga malalalim na parte ng karagatan. Nakakatakot sila dahil walang habas sila kung umatake.

Iba’t ibang klase ng hayop ang inaalagan, may ilang pwede at ilan na ipinagbabawal. Mahigpit ang batas sa ating bansa ukol sa pag aalaga ng mga endangered o exotic na mga hayop. Mariin silang pinananatili sa pangangalaga  ng mga may kakayahan.

Napabalita din ang talamak na ilegal na pangangalakal o pag smuggle ng mga endangered species sa pa loob at palabas ng bansa. Mataas ang demand nito lalo pa sa Black Market kung saan ginagamit nila ito sa masama.

Patok na parokyano nito ang mga tsino na ginagamit bilang sangkap sa kanilang mga chinese medicine, gayun din na sangkap ng mga kakaiba at matagal ng tradisyon ng mga soup na tinatangkilik ng marami.

Kumakalat din ang mga bali balita na ginagamit din ang mga ahas upang gumawa ng mga branded at signature na mga bag at sapatos. Para sa personal na pangangailangan at kasiyahan naisasakripisyo natin ang mga hayop na may buhay din.

Ang mga tao ay walang kasiyahan at walang katapusan ang pag nanais sa lahat ng bagay. Gagawa at gagawa tayo ng paraan para makamtam at makamit ang ating mga gusto kahit pa kapalit nito’y buhay ng iba.

Tandaan natin na ang mga hayop ay parang tao din, may sariling buhay at pag iisip. Maliit man sila o malaki, nakakatakot man o maamo ang itsura marapat lamang sila’y alagaan at ingatan kagaya ng pag iingat natin sa ating mga sarili.

Ikaw, anong kakaibang alaga mo? At paano mo ito inaalagaan? Share at comment mo sa amin ang iyong pet. Mag iwan lamang ng comment sa aming comment box.

No comments

Powered by Blogger.