Lola na 101 taong gulang, mag-isang namumuhay at nagtatrabaho pa - FILIPINO TRIBUNE

Lola na 101 taong gulang, mag-isang namumuhay at nagtatrabaho pa

 

Naging viral ang nakakaantig na istorya ng isang lola nito lamang nakaraan. Siya ay si Lola Felicidad Cabuena, 101 taong gulang, walang asawa at anak, at mag isang namumuhay sa isang liblib na lugar sa Barangay Rivadavia sa Narvacan, Ilocos Sur. Sa kabila ng katandaan ni Lola, siya pa rin ay nagtatrabaho.

Mag-isa na lamang namumuhay si Lola Felicidad sapagkat wala siyang pamilya na mag-aalaga sa kanya, walang naging anak at apo si Lola dahil ayon sa kanya nung kabataan niya walang nagkagusto o nagtakang manligaw sa kanya. 

Nang tanungin ng I-Witness si Lola kung bakit tumanda siyang dalaga ang kanyang naging sagot lamang ay “Walang nagkagusto sa akin kasi ang pangit-pangit ko.”

“Kapag pangit ka, hindi ka magugustohan ano.” Dagdag pa niya. Pero kung titingnan ang kanyang mga lumang litrato na nakalagay sa dingding hindi naman pangit si Lola, siya ay maganda.

Ang mga litratong makikita sa kanyang bahay ay mga litrato ng kanyang mahal sa buhay. Ilan sa mga iyon ang kanyang natulungan mapag-aral upang maging matagumpay sa buhay.

“Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko yun eh tsaka anak ng kapatid mo, hindi ka tutulungan?” ani ni Lola Felicidad.

Sa mga natulungan ni Lola sila ay naging matagumpay sa buhay at may kanya-kanya ng pamilya, dahil rito paminsan-minsan nalang nila si Lola madalaw kaya naman kumuha nalang sila ng magiging taga-pangalaga kahit na wala pang taga-pangalaga si Lola dati siya ay sanay na mag-isa at hindi umaasa sa ibang tao sa kabila ng kanyang edad na 101 taong gulang na.

“Hindi ko gusto ‘yung laging nakaupo, walang trabaho.” Mas gugustohin daw ni Lola ang may ginagawa kesa laging nakaupo lamang at walang ginagawa. Kaya naman ang tanging nagiging libangan ni Lola Felicidad ay ang pagtatanggal ng damo. “Mas gusto ko magtanggal ng damo. Hindi pwedeng hindi ako magtrabaho.”

 Source: I-Witness

 

 

 

 

 

 

No comments

Powered by Blogger.