Pulis, Hinangaan Matapos Tulungan Makatawid ang isang PWD; Binigyan pa ng Pera at Pagkain. Kilalanin dito. - FILIPINO TRIBUNE

Pulis, Hinangaan Matapos Tulungan Makatawid ang isang PWD; Binigyan pa ng Pera at Pagkain. Kilalanin dito.

May mga taong ipinanganak ng walang kapansanan na itinuturing na mapalad. May ilan naman ipinanganak na may pagkukulang o di  kaya’y wala. Hindi man sila kasing palad ng mga walang kapansanan, masuwerte naman sila dahil nakatatagpo sila ng mga taong tutulong sa kanila.

Isang Pulis ang nakuhanan ng larawan na tumulong sa isang matandang PWD na makatawid ng kalsada. Hindi lubos akalain ng matanda ang kabayanihang ginawa ng pulis sa kanya. Hindi siya nito basta basta iniwan, siniguro niya na nasa ligtas na ang matanda.

Nakilala ang matanda na si Tatay Luis Borce, aniya ay dito siya lagi dumadaan papunta sa simbahan ng Naga para doon mamalimos at mairaos ang pang araw araw na pamumuhay. Nakunana ni Ronald Rodriguez ang pangyayari habang nakahinto.

Napag alaman  na kuha ang larawang ito sa sa intersection ng Peñafrancia Ave. at Colgante Bridge sa Naga noong Setyembre ng gabi. “Nakaka ogmang hilingon (Nakatutuwang pagmasdan). Salamat sa mga sinserong mag-sirbeng mga pulis!”

Kinilala ang magiting na pulis na si  Police SSgt. Charito Gernale Dico na isang waray at kakadestino lamang sa Naga. Sinabihan niya ang matanda na huwag ng mamalimos pa dahil bibigyan na niya ito ng kanyang pangangailangan.

Nakilala na ding tumutulong sa ibang tao si Sir Dico, nagbibigay siya ng ayudang pagkain sa mga bata ng Barangay Panoypoyan, Bula. Ang bigas na ibinibigay niya ay mula pa sa kanyang rice allowance.

Marami ang humanga sa mabuting gawi na ito ng pulis. Ang mga pulis na kadalasan kontrabida ang ating tingin dahil sa mga kwento at bali balita na ating naririnig. Di umano sila’y mga buwaya, nakakatakot at mayayabang.

Pero ani ng iba, hindi lahat ng kapulisan ay ganito. Dumaan sa maraming pag aaral at pagsusulit kasama na ang pagsasanay para maging ganap na pulis. May sinumpaang tungkulin na maglilingkod sa publiko sa abot ng kanilang makakaya.

Kaya maraming mga kabataan ang ninanais na maging Pulis. Talaga naman kagalang galang kung titignan ang mga naka uniporme. Sa panahon ngayon, hindi na lamang mga kalalakihan ang nagnanais mag pulis.

Ang mga kababaihan na naeengayo sumabak sa mahirap na training ng pagpupulis. Maituturing na delikado ang kanilang trabaho dahil sila ang sumusugpo at agad na naresponde sa anumang krimen.

May pulis naman ang tumulong magpa anak sa isang babae na inabot na sa isang Tricycle sa Sorsogon. Ibinahagi ni  Dhen Lladones ang video na ito kung saan ay kapatid niya pa ang nasabing pulis na si Police Staff Sgt. Godwhin Lladones.

Malayo pa sa ospital ang nasabing tricycle pero inabot na ng panganganak si Jocvelyn Bandola, isa pa lang Registered Nurse ang nasabing pulis kaya walang pag aalinlangan tinulungan ang Ginang.

Sa kabila ng pangit na imahe ng mg kapulisan sa marami, hindi pa rin mawawala ang iilang may ginintuang puso tumulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.

Ikaw, may kilala ka din bang pulis na may ginintuang puso para sa kapwa? Share mo sa amin ang iyong sagot at mag comment lamang.

Source: facebook

No comments

Powered by Blogger.