Retiradong Sundalo, Naging Inspirasyon dahil sa Pagsauli ng Malaking Halagang Pera sa isang Matanda - FILIPINO TRIBUNE

Retiradong Sundalo, Naging Inspirasyon dahil sa Pagsauli ng Malaking Halagang Pera sa isang Matanda

Napaka laking papel sa buhay ang ating mga pangalan, ito ang magsisilbing pagkakakilanlan saan man tayo mapunta. May ilang isinusunod sa kanilang sariling pangalan, o sa iniidolo, o sa pinaghalong pangalan ng nagmamahalan.

Tila pinatunayan ng isang retiradong sundalo ang kahulugan ng kanyang pangalan. Ang Philippine Army Lieutenant na si Honest Tosoc na ngayo’y retiro na ang nakakita ng isang bag sa  Barangay Sibucao, Zamboanga del Sur.

Agad na tinignan ni Honest ang laman ng bag at dito’y nagulat siya sa kanyang nakita. Daan daan at libu-libong mga pera na kung susumahin ay aabot sa mahigit kumulang P 100,000 libong piso.

Hindi siya nagdalawang isip na hanapin ang may ari, nakakita siya ng dalawang ID bilang pagkakakilanlan sa tunay na may ari ng Bag at idinala ito sa pinaka malapit na Istasyon ng Pulis.

Aminadong hirap sa buhay si Sir Honest, kahit pa retirado na at may mga pensyong natatanggap ay kulang na kulang pa rin ito para sa kanyang pamilya. Pero dahil hindi sa kanya ang pera, hindi niya ito pinagnasahan kunin.

Dumulog siya sa istasyon at naghintay ng taong mag hahanap at  magbibigay pagkakakilanlan sa nawawalang malaking halaga ng pera. Hinintay niyang dumating ang may ari at dito nakilala niya ang isang matanda.

Si Lolo Diosdado Gaco Perater, 76-anyos at nakatira sa Barngay Maruing, Lapuyan, Zamboanga del Sur ang nagsabing siya ang may ari ng bag na nawawala at may lamang pera. Nang malaman na nawawala ang kanyang bag agad agad siyang nagpunta sa Istasyon ng Pulis.

Labis labis ang pasasalamat ng matanda sa Retiradong sundalo na si Sir Honest, animo’y hindi lang sa pangalan niya pinatunayan ang kanyang pagiging tapat maging sa kanyang gawa.

Nawala man sa serbisyo si Sir Honest hindi ito hadlang para patuloy na tumulong at maglingkod sa kapwa niya kababayan. Alam niya ang hirap na walang pera at mapagkukunan nito, ano pa kaya ang taong mayroon na at nawalan.

Labis labis man sana ang maitutulong ng perang nakita, hindi siya nagdalawang isip kanyahin ito. Nasa sampung utos ng ating Panginoon ang huwag manganya ng iyo. Isa itong malaking kasalanan at may mabigat na kaparusahan.

‘Ika nga nila, kung ang asong nawawala ay hinahanap, ang anak na lumayas ay pinababalik o ang mga gamit na kinuha o ninakaw ay ninanais mapabalik ano pa kayang pera na higit kailangan dahil sa hirap ng buhay.

Sa panahon ngayon na laganap ang iba’t ibang klase ng krimen, hindi nawawala ang mga taong na nanatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at sa mga sarili. May mga tao pa din ang may malasakit sa kapwa.

Ikaw, minsan ka na din bang nakatagpo ng malaking halaga ng pera o importanteng gamit? Anong ginawa mo dito? Isinauli mo ba ito o sinarili? Share at comment mo sa amin ang iyong sagot.

Source: abo3antar

No comments

Powered by Blogger.