Tekla, ipinakita kung gaano kakalat ang mga kasamahan niya sa condo. - FILIPINO TRIBUNE

Tekla, ipinakita kung gaano kakalat ang mga kasamahan niya sa condo.

Ilang araw pa lamang ang nakalipas ng inakusahan ni Michelle Lhor Bana-ag ang kanyang live-in partner na si Tekla, o mas kilala bilang Romeo Libredo sa kanyang totoong pangalan sa pagiging irresponsableng partner at ang kanilang anak.

Sinabi ni Michelle na hindi raw sila nakakain sa tamang oras at kapag siya ay manghihingi ng pambili ng pagkain ay hindi raw ito nagbibigay kaya naman naisip niya na magsumbong sa program ng Raffy Tulfo in Action. Dito niya isiniwalat ang lahat tungkol sa kanyang live-in partner na si Tekla.

Sa gitna ng isyu na kinakaharap ngayon ng komedyante, isa sa kanyang mga vlog ang dinagsa ng mga viewers kung saan makikita rito ang loob ng kanyang condominium na magulo at may karumihan at kung ano ang mga ginagawa ng mga nakatira rito.

Pagkapasok pa lamang ni Tekla sa loob ng kanyang condo sinabi niya agad na makalat ito.

“Ano ba yan ang kalat umagang-umaga ang kalat hindi man lang kayo nagliligpit, ‘ayan puro kalat, kalat. Diyos ko kalat, kalat wala kayong. hindi man lang kayo nagaligpit, Diyos ko hindi niyo man lang maano, ano man lang ang ginagawa ninyo?”

“Ayan yan ang sinasabi ko, kaya pala tumaas yung ating bill ng kuryente puro kayo mobile legend, mobile legend ayan wala kayong ginawa kungdi puro mobile legend, mobile legend kayo ng mobile legend.” sabi ni Tekla.

Sinabi ni Tekla sa mga ito na kaya pala tumaas ang kanilang bayarin sa kuryente ay dahil puro laro ang mga ito ng Mobile Legends (ML). Maging ang kanyang live-in partner na si Michelle ay busy rin ito sa paglalaro ng nasabing online games. 

Imbes raw na maglinis ng bahay ay nauubos ang oras ng mga ito dahil sa paglalaro ng ML. Mas inuuna pa ng mga ito ang paglalaro ng ML, dito itinanong nya rin sa mga ito kung siya ba ay nakakaisturbo sa paglalaro nila. At sinabi niya rito na kung pwede ay maglinis naman hindi yung puro kalat lang. 

Matapos niyang mapagsabihan ang mga ito, sinabi nya kung gaano kalaki ang kanyang bayarin at kung magkano ang mga ito. Dito nya sinabi na ang ilan sa mga bill ay nasa 14,000 at 15,000 at ang pinakamataas ay umabot ng 16,000.

 

No comments

Powered by Blogger.