Viral sa Social Media Ngayon ang Kwento ng Isang Mister Tungkol sa Nangyari sa Kanilang Kasal Noon ng Misis nya. - FILIPINO TRIBUNE

Viral sa Social Media Ngayon ang Kwento ng Isang Mister Tungkol sa Nangyari sa Kanilang Kasal Noon ng Misis nya.

 

Makalipas ang dalawang taon ng kanilang kasal, isang netizen ang nagbahagi ng kwento tungkol sa nangyari sa kanilang kasal na siya namang ikinatuwa ng maraming netizens dahil sa pangyayaring ito. Dito niya inilahad kung anong dahilan bakit siya natawa ng subra.

Sa isang facebook post ni John Alvin Torrente, ibinahagi niya ang nangyari nung sila ay ikinasal ng misis nya kasabay ng pagbabahagi niya ng wedding photos nila. Isang kwento na talaga namang nagpatawa sa mga netizen.

Ayon kay John Alvin, pagkatapos daw kasi bitawan ng kanyang misis ang kanilang wedding vow, lumubo daw ang sipon nito kaya hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at natawa sya hanggang matapos ang seremonya ng kanilang kasal.

“Alam nyo bangpag tapos ni ijo bitawan ung wedding vow nya lumobo ung sipon nya at mula nun di na ko nakinig kay father tumawa nlang ako ng tumawa hanggang matapos yung kasal. Hahaha sabi nya wag ko ipagsabi pero 2 years naman na kaya baka pde na ikwento.” paglalahad ni John Alvin.

Sa mga larawan na kanyang ibinahagi, makikita sa kanilang larawan na sila ay tawang-tawa habang nakaharap sila ng kanyang bride sa altar. Abot tenga ang ngiti nila sa mga larawan at halos mapaiyak pa nga ng subra sa kakatawa.


Kaya naman ang kwentong ito ni John Alvin tungkol sa kanyang bride ay bentang-benta sa mga netizen. Ang facebook post na ito ay umani ng mahigit 132,000 na nakakatawang reaksyon. Ang shares naman nito ay umabot na sa 67,000 at patuloy pang dumarami.

Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizen:

“Chaks grabe tawa ko dito na imagine ko e HAHAHAHAHA.”

“Hahaha naiimagine ko si sir at that moment masakit sa tiyan kaya magpigil ngtawa.”

Pahabol pa ni John Alvin sa kanyang pangalawang facebook post, mahirap daw ang buhay may asawa pero masaya ito na ang kanyang misis ang kasama niya sa mga hirap nito. At ang naging komento naman ng kanyang misis sa post nito ay “cheers mahal kahit  di tayo marunong humawak ng basong pang mayaman I love you. galingan natin sa pag papalaki kay waiian. Siya naman inisin natin pag laki HAHAHAHAH.”

 

 

No comments

Powered by Blogger.