Dismayado ang isang babae na ito matapos bumili ng pustiso online - FILIPINO TRIBUNE

Dismayado ang isang babae na ito matapos bumili ng pustiso online

 

Sa panahon ngayon, nauuso na ang online shopping kaya naman marami sa atin na imbes pumunta pa ng mall or grocery store ay mas pinipili na lamang bumili online sa pamamagitan ng ating cp. Ang online shop ay dinadownload sa ating mga phone at kinakailangan pa ng verification bago ito magamit. Ito ay assessable para sa mga taong busy sa kanilang trabaho lalo na sa mga working mom.

Ngunit, mayroon naman sa atin ang mas pinipili pa rin na di gumamit ng online shop app dahil natatakot sila na baka scam, ang iba naman ay takot dahil baka maubos ang kanilang pera na inipon dahil sa kaka-add to cart at ang iba naman ay takot na dahil baka maulit ang kanilang na experience sa pagbili online, gaya na lamang ng isang netizen na ito na nagbahagi ng kanyang karanasan matapos siyang bumili online.

Ayon kay Mary Sharapova, bago dumating ang kanyang parcel ay naghintay siya ng halos tatlong buwan. Kaya naman nang dumating na sa wakas ang kanyang order na pustiso Malaki ang kanyang pasasalamat at excited siyang gamitin agad iyon. Dagdag pa niya, kaya raw siya napabili ng pustiso online ay dahil para may magamit siyang pamalit sa kanyang nasirang ngipin.

Ngunit sa kasamaang palad, nang isukat na ni Mary ang kanyang nabili na pustiso ay nadismaya ito dahil malayo ang kinalabasan sa sinasabing “Perfect Smile”. Ang pustisong kanyang nabili ay masyadong malapad at malaki ang mga ito para sa kanyang bibig. Kapag sinusuot niya ang kanyang nabili ay nababatak lamang ang kanyang bibig.

Nang dahil sa karanasan na iyon ni Mary may mga iilan sa mga netizen ang nadismaya dahil nakabili rin umano sila ng pustiso na iyon online at may iilan din naman ang natawa dahil sa video na iyon ni Mary. Ang video na iyon ay umabot ng 123K reactions, 15K comments, 13K shares at 6.9M views. Narito ang iilan sa mga naging komento ng netizens:

“Hahahaha thank you ate.. Even tho wla sa plano nga magpakatawa ka.. But! You made my day very happy.”

“Not worth it to buy. Mine I throw it inside dustbin.”

“1k pa naman.. tsk tsk haysss saying lng ng pera ko pro hanggang ngayon nasakin prn pla, ung items tinatgo ko parin..”

Source: facebook

 

 

 

No comments

Powered by Blogger.