Jericho Rosales at asawang si Kim Jones, tumulong sa pag-rescue ng mga residente ng Marikina - FILIPINO TRIBUNE

Jericho Rosales at asawang si Kim Jones, tumulong sa pag-rescue ng mga residente ng Marikina

 

Viral ngayon sa social media ang ginawa ng mag asawang Jericho Rosales at Kim Jones matapos na magbigay ng tulong sa kapwa nila residente ng Marikina ng Huwebes nang umaga November 12, 2020. Ayon sa mga ulat, si Jericho at ang kanyang asawa na si Kim ay personal na tumulong sa mga na stranded na residente sa kanilang lugar dahil sa bagyong Ulysses.

Ang nasabing bagyo ay nagdulot ng matinding pagbaha sa maraming lugar. Kaya naman naisip ng mag asawang ito na gamitin ang kanilang surfboard para tulungan at i-rescue ang mga tao sa nasabing lugar. Ayon kay Jericho, nung pagkalabas nila ng bahay kasama ang kanyang asawa ay baha na.

“This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard.” sabi ni Jericho. Dagdag pa ni Jericho na maayos naman raw ang mga bahay na kanilang napuntahan at safe ang mga ito. Ngunit, mayroon raw na iba na hindi na mapuntahan ng rescue teams dahil sa malakas na yung pag agos ng baha at wala pang boats.

“Okay naman yung mga napuntahan namin sa bahay, safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na yung agos and wala pang boats.” dagdag pa ni Jericho. Sinabi niya rin na mas malala ang sitwasyon sa kasalukuyang bagyo at dahil dito hindi ito inasahan ng mga residente.

Nang dahil sa pagtulong na iyon ng mag-asawa ay maraming netizens ang natuwa at pumuri sa mag-asawa. Sinabi pa ng ilan sa mga netizen na matatawag na totoong hero si Jericho Rosales dahil hindi lang iyon ang unang beses na tumulong ito. Dahil nung September taong 2009 sa bagyong Ondoy ginawa rin ni Jericho ang pagtulong sa mga residente ng Marikina.

Narito ang iilan sa mga naging komento ng mga netizen para sa mag-asawa:

“He’s done this countless times already. Truly a hero. God bless him and his wife.”

“Thank God, there are still people who are not only good looking but also wt a kind heart.”

“That’s why I love this guy. Keep safe kayo. God bless. Sana maging safe lahat ng mga nasalanta ng bagyo. Keep on praying lng tayo for everyone’s safety.”

 

 

 

 

No comments

Powered by Blogger.